Hindi maganda ang pakiramdam ni Madeline tila ba hinihiwa ang puso niya ng ilang libong kutsilyo. "Jeremy, nagsasabi ako ng totoo!" "Para sa akin, wala nang mas mahalaga kaysa sa nararamdaman ni Meredith. Ano bang basura ang pinagsasabi mo?"

Hindi makapaniwala si Madeline sa sinabi nito. Dire-diretso itong sumaksak sa puso niya na bang isang matulis na sandata.

Sa kanya, hindi mahalaga ang katotohanan. Ang mahalaga sa kanya ay si Meredith at wala na siyang paki sa iba. Lumubog ang puso niya na para bang isang bato. Tila ba nawala ang lahat ng kanyang pag-asa sa lalaking ito.

Ngumiti si Madeline nang malungkot at sinabing, "Sige, hihingi ako ng tawad."

Tiniis niya ang sakit ng kanyang katawan at agad na yumuko upang humingi ng tawad kay Meredith.

Nakita niyang suminghal si Meredith. May matagumpay na ngiti ang nakadikit sa mukha nito.

Hindi niya talaga akalaing walang paki si Jeremy sa katotohanan para lang kay Meredith. Ang tanging dahilan ay ang pagmamahal niya rito. Masyado niyang mahal si Meredith.

Sa mga sumunod na araw, hindi na naman nakita ni Madeline si Jeremy.

Gusto niyang maghanap ng trabaho para sumigla naman siya; ayaw niyang sirain ang sarili niya dahil hindi na siya mahal ni Jeremy.

Nag-aral si Madeline ng jewelry design at grumaduate rin naman siya ng may karangalan. Kaya, nagpadala siya ng isang resume online, at makalipas ang ilang sandal, dalawang kompanya ang agad na inimbitahan siya para sa isang interview. Matapos pagkumparahin ang dalawa, pinili niya ang mas malapit sa bahay nila.

Akala niya magagamit niya ang kanyang trabaho para hindi maabala, subalit naiisip niya pa rin si Jeremy.

Kahit malaki ang galit nito at pagkaaway sa kanya.

Malamig nang bahagya ang mga gabi sa taglagas, kaya maagang umaalis ang mga empleyado pauwi. Sa kabilang banda, nanatili naman si Madeline sa opisina nang mag-isa para tapusin ang kanyang trabaho.

Kahit naman umuwi siya, mag-isa pa rin siya. Kaya, dito na lang muna siya para magtrabaho.

Halos 10:00 na ng gabi at nagugutom na si Madeline.

Hinawakan niya ang kanyang tiyan at naalala niyang may dala-dala na siyang bata. Sa isang bigla, nakaramdam siya ng saya.

Nang paalis na siya, biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Napatalon ang puso ni Madeline, at saka niya kinuha ang cellphone nang nagmamadali.

Hindi siya makapaniwala sa caller ID na nakikita niya.

Tinatawagan siya ni Jeremy. Matapos mag-alangan ni Madeline, sinagot niya rin nang masaya ang tawag.

"Jeremy..."

"Ah... Sige pa, Jeremy, ang galing mo. Mahal kita.....”

Ang mga ungol ng isang babae ay maririnig sa kabilang linya ng telepono. Tumagos ito sa tainga ni Madeline at nasundan ito ng isang mababang ungol ng lalaki.

Hinawakan ni Madeline ang cellphone sa kanyang kamay at naramdaman niyang tila babagsak na ang kanyang puso mula sa langit papuntang impyerno. Isang hindi mapigilang sakit ang umatake sa puso niya.

Agad niyang ibinaba ang cellphone, gusto niyang alisin ang mga boses na nasa alaala niya. Subalit, sunod-sunod nang bumuhos ang mga luha niya.

Hinila niya ang kanyang sarili pauwi at saka naglabas ng isang bote ng alak mula sa cabinet ni Jeremy.

Matapos ang ilang lunok, hindi na ito itinuloy ni Madeline. Hindi niya pwedeng hayaang magdusa ang batang nasa tiyan niya.

Subalit, nalasing pa rin si Madeline. Sa estado niyang ito, nakita niya ang lalaking minahal niya labindalawang taon ang nakalipas. Naglalakad ito patungo sa kanya.

Matangkad ito at napakagwapo. Talaga nga namang iba pa rin ang dating niya. Ito ang lalaking inaasam niya sa umaga at gabi. Ito ang lalaking mahal niya na hindi niya makukuha kailanman. Itinapon ni Madeline ang baso niya at natumba siya kay Jeremy. Isinukbit niya ang kanyang mga braso sa leeg nito at inangat ang kanyang mapulang mukha para tignan siya.

"Jeremy, hindi ko hahayaang mapunta ka sa ibang babae. Kung may kailangan ka, andito naman ako. Ako ang asawa mo!"

Sasabihin niya na sana ang lahat. Gamit ang mababang boses, may sasambitin sana siyang hindi niya pa nababanggit dati.

Mahal siya ni Madeline. Sagad hanggang sa buto. Kaya niyang itapon ang lahat ng kanyang dignidad at yabang para sa lalaking ito.

Nainis si Jeremy at tinulak siya sa pandidiri.

Ganoon pa man, dikit nang dikit si Madeline. Tinapon niya ang kanyang sarili sa lalaki at sinimulang hubaran ito. Sunod, inangat niya ang kanyang ulo at sinubukang halikan ito. Naamoy niya ang pabango nito. Ito ang pabangong gamit ni Meredith.

Ganoon pa man, pinuwersa niya ang kanyang sarili na huwag pansinin ang pabango nito at patuloy na kumilos sa ganitong paraan.

Siguro ito na ang huling pagkakataon niya upang makakuha ng kaunting pagmamahal. Handa siyang maging pinaka-walang kwenta at pinaka-walang hiya para rito. Gusto niya lamang ng kakaunting magagandang alaala bago siya umalis...

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report