Mabigat ang pakiramdam ni Madeline. Pagkatapos siyang alugin ni Meredith, lalo siyang nahilo.

"Maddie, bakit ba napakasama mo? Wala akong pakialam kung galit ka sakin, pero inosente ang anak ko. Paano mo nagawa 'to kay Jack?" Parang pamilyar ang pangyayaring ito.

Hindi nakalimutan ni Madeline na muntik na rin niyang sabihin ang mga salitang ito kay Meredith.

Subalit, ano bang nangyayari?

Anong sinasabi ni Meredith?

"Maddie, sabahin mo sakin, saan mo tinago si Jack? Sabihin mo!"

Habang naguguluhan si Madeline, muli siyang sinigawan at tinanong ni Meredith.

"Si Jack?" Naalala ni Madeline ang nangyari bago siya makatulog. Pagkatapos, tiningnan niya kung nasaan na siya. Nasa bahay niya siya.

Dadalhin niya sana sa Whitman Manor si Jackson kanina. Bakit nandito na siya ngayon?

Nanlamig ang pakiramdam ni Madeline. Kinilabutan siya. Hindi niya maisip kung ano ang nangyari.

"Madeline, hindi ko inasahan na gagawin mo talaga yung sinabi mo." Ang sabi ng isang nakapangingilabot na boses na nagmula sa itaas.

Tumingala siya at nakita niya ang gwapo ngunit malamig na mukha ni Jeremy.

May laman ang mga sinabi ni Jeremy, at naguluhan si Madeline dahil dito. Subalit, muling umalingawngaw ang pag-iyak ni Meredith.

"Maddie, nagmamakaawa ako sayo. Wala na 'kong hihilingin pa. Ang gusto ko lang, ibalik mo sakin si Jack! Papakiusapan ko si Jeremy na maging mabait sayo basta ibalik mo lang si Jack." Hinawakan ni Meredith si Madeline at nagmakaawa.

Tumingin si Madeline kay Jeremy at ipinaliwanag niya ang nangyari. "Nakita ko si Jack nung pumunta ako sa Cypress Road at napansin ko na naliligaw siya, kaya sinubukan ko siyang iuwi sa Whitman Manor..."

"Maddie, bakit ka nagsisinungaling? Pinanood namin ni Jeremy yung security footage. Hindi siya nawawala. Ikaw yung kumuha sa kanya! Sabihin mo sakin, nasaan siya?" humiyaw ng malakas si Meredith. Nakaramdam ng matinding takot at pangamba si Madeline. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Tumingin siya kay Jeremy. "Tutal napanood niyo naman yung footage, sigurado akong alam niyo na balak kong dalhin sa Whitman Manor si Jack, kaso..."

Pagkatapos, nakaramdam diya ng antok at nakatulog.

Nagulantang si Madeline. Bigla siyang may naalala. "Yung driver! Kahina-hinala yung driver! Siya yung kumuha kay Jack!"

"Hmph." suminghal si Jeremy. Tiningnan niya ng masama si Madeline, dahilan para manginig ito sa takot.

"Jeremy, hindi ko tinago yung anak mo. Hinding-hindi ko siya sasaktan!" matapang na tumingin si Madeline sa mga mata ni Jeremy.

"Madeline, magpapanggap ka pa rin ba? Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo kay Mer sa harap ko mismo? Sinabi mo na mag-ingat siya dahil bukod sa papatayin mo siya, sasaktan mo din si Jack. Makikipagtalo ka pa rin ba?"

Kinilabutan si Madeline. Agad siyang nilamon ng takot at pangamba.

Tama, sinabi niya nga yun, pero sinabi niya lang yun para inisin si Meredith.

Paano niya magagawa ang ganung klaseng bagay?

"Maddie! Alang-alang sa pagiging magkapatid natin, nagmamakaawa ako sayo!" biglang lumuhod si Meredith.

Niyakap ni Jeremy si Meredith, tiningnan niya ng masama si Madeline. "Bibigyan kita ng isa pang minuto para mag-isip. Kapag hindi mo sinabi kung nasaan si Jack, ibabalik kita sa kulungan." Nakaramdam ng matinding kilabot si Madeline. Puno ng takot ang kanyang mga mata.

Hindi pa rin niya makalimutan ang mga araw na nakakulong siya, kung paano siya binugbog at pinahirapan, at ang sakit na kanyang naramdaman.

Muntik na siyang magpakamatay dahil sa mga naranasan niya.

Hindi siya pwedeng mamatay!

Subalit, kasabay nito, ayaw niyang bumalik sa mala-impyernong lugar na iyon.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report